Holdaper, patay sa engkwentro
Death

Holdaper, patay sa engkwentro

Apr 22, 2026, 2:55 AM
Opinyon Quezonin News

Opinyon Quezonin News

Writer

Patay ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan naman ang driver nito matapos nilang makipagbarilan sa mga awtoridad sa Tiaong, Quezon gabi ng Miyerkules, April 15.

Balot ng dugo, iniwan ng mga suspek ang kanilang motorsiklo na ginamit sa pagtakas matapos ang magkasunod na panloloob sa dalawang branch ng convenience store sa Barangay Laiya Aplaya at Barangay Nagsaulay, San Juan, Batangas.


Nilimas ng tandem ang P170,000 cash bago sila tumakas.


Agad naglatag ng checkpoint ang mga awtoridad matapos makatanggap ng tawag mula sa mga biktima.


Nasukol ng Tiaong Municipal Police Station (MPS) at 1st QPMFC ang mga tumatakas na suspek sa kahabaan ng Tiaong-Lipa Road sa Barangay San Agustin sa naturang bayan.


Imbes na sumuko, pinaputukan pa ng mga suspek ang mga otoridad.


Gumanti ng putok ang mga pulis, dahilan para bumulagta ang backrider na tinamaan sa ulo. Sugatan ang driver at nagtangkang tumakas, pero naaresto rin sa San Antonio matapos ang habulan.


Narekober sa crime scene ang duguang motorsiklo, baril na kargado ng bala, pera, at mga gamit ng mga suspek na pawang residente ng Laguna,


Hinala ng pulisya, posibleng sila rin ang nasa likod ng serye ng robbery sa iba pang bahagi ng Calabarzon.


Nananatili ang sugatang suspek sa ospital na nahaharap sa kasong Robbery with Homicide.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.