HIV Awareness seminar at free testing, kaloob sa mga mamamayan ng Real
Awareness

HIV Awareness seminar at free testing, kaloob sa mga mamamayan ng Real

Feb 23, 2024, 2:15 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Real, Quezon- Matagumpay na isinagawa ang mahahalagang programa ng pamahalaan patungkol sa HIV Awareness at libreng testing sa pamamagitan ng sanib pwersang pakikipag tulungan sa pangunguna ng Sangguniang Kabataaan at ng mga Barangay Officials ng Barangay Poblacion 61 katuwang ang Rural Health Unit of Quezon Province headed by Quezon Governor Doktora Helen Tan na ginanap mismo sa Barangay Multi-Purpose Hall ground ng nasabing Barangay nitong Pebrero 21.

Layunin ng programa upang lalo pang paigtingin ang kamulatan sa pag-aaral patungkol sa HIV upang walang maging biktima ng naturang sakit at inilahad din nito kung paano makaiwas sa pagkalat ng nasabing virus.

Naging highlights din sa naturang pagtalakay ay ang EDUKASYON na nagsagawa ng informative session upang ipalaganap ang tumpak na impormasyon tungkol sa HIV/AIDS transmission, prevention at treatment.

LIBRENG PAGSUSULIT sa HIV - mag-ambag sa maagang pagtuklas na mahalaga para sa napapanahong interbensyong medikal at pagbabawas ng pagkalat ng virus

Dagdag pa nito na ang HIV/AIDS Awareness campaign ay isang instrumento upang lumikha ng isang mas may kaalaman, mahabagin at proactive na komunidad.

Ito ay hindi lamang mag-aambag sa pagpigil sa pagkalat ng virus ngunit gumaganap din ng mahalagang papel sa pagbuo ng isang sumusuportang kapaligiran para sa mga may sakit.

(Jane Hernandez/Larawan mula kay SK Chairman Jeric Andal)

#WeTakeAStand #HIVAwareness #OpinYon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.