Onsehan sa iligal na droga ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa isang insidente ng pamamaril sa Calamba City, Laguna noong Martes, April 21.
Dead on the spot ang biktima na kinilala lamang sa alyas na "Marlito" matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bahagi ng Barangay Palo Alto bandang alas-tres ng hapon.
Ayon sa paunang ulat ng Calamba City Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa bahagi ng Purok 1, Barangay Palo Alto nang bigla na lamang umano siyang nilapitan ng suspek at pinagbabaril.
Narekober sa sling bag ng biktima ang isang live round ng hindi pa matukoy na baril, gayundin ang tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

