Isang hakbang tungo sa mas epektibong healthcare solutions ang inaasahang resulta ng strategic partnership kamakailan ng De La Salle University (DLSU) at AstraZeneca Philippines.
Ito ay matapos lagdaan ng dalawang institusyon ang isang Memorandum of Understanding (MOU) na magsisilbing tulay sa pagitan ng unibersidad at biopharmaceutical company upang maglikha ng bago at angkop na ideya para sa industriya.
Nakatakdang magbukas ang AstraZeneca ng isang campus-based center sa DLSU Knowledge, Innovation, Science and Technology (KIST) Park sa Biñan City, Laguna, kung saan inaasahang maglulunsad ito ng iba’t-ibang inisyatiba.
"AstraZeneca is establishing its campus-based center, which will serve as a research hub, clinical trial center, and the site of their Lung Cancer command center," pahayag ng DLSU Laguna sa isang social media post.
Kabilang sa mga ilulunsad nito ay ang internship and traning programs, academe-industry engagements at joint initiatives para sa estudyante at faculty ng naturang unibersidad.
Bukod naman sa AstraZeneca, nakipag-partner rin ang DLSU Laguna sa DMCI Holdings, isa sa mga pinakamalaking real-estate developer sa bansa, para naman sa pagpapalawak ng construction education sa bansa.
"DMCI is launching a premier center for construction education, designed to bridge the gap between academic theory and industry application through a commercial testing and research facility."
Ang KIST Park sa loob ng DLSU – Laguna campus ay nilikha noong 2025 bilang kauna-unahang ecozone na matatagpuan sa isang private higher education institution.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

