Hardware, sinunog sa San Pedro
Fire Incidents

Hardware, sinunog sa San Pedro

Apr 14, 2026, 1:38 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa isa umanong insidente ng sadyang panununog sa isang hardware store sa San Pedro City, Laguna noong Huwebes Santo, April 2.

Ayon sa paunang ulat ng San Pedro City Police Station, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang may-ari ng isang hardware na nasa Magsaysay Road, Sitio Southridge, Barangay San Antonio upang iulat ang nasabing insidente.


Lumabas sa kuha ng CCTV camera sa naturang lugar kung paano nilapitan ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang hardware pasado ala-una ng hapon ng Huwebes.


Matapos buhusan ng gasolina ang paligid ng tindahan ay agad nila itong sinilaban bago tumakas papunta sa hindi pa malamang direksyon.


Nakipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa naturang insidente.

Isang follow-up operation na rin ang isinagawa laban sa mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong arson.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.