Isang maagang pa-birthday ang handog ni Biñan City, Laguna Councilor Jonalina "Dada" Reyes (gitna) para sa mga residente ng mga barangay ng Mamplasan at Santo Tomas nitong nakaraang January 11.
Kasama sina Mayor Arman Dimaguila, Vice Mayor Gel Alonte, at iba pang mga kasapi ng "LABarkada" slate, pinangunahan ni Konsehala Reyes ang "Handog Pasasalamat" kung saan humigit-kumulang 300 na mga residente ng Sitio Pag-asa 1 at 100 residente ng Sitio Pag-asa 2 ang nahandugan ng grocery packs at financial assistance. Ayon kay Reyes, napagpasyahan niya na ilapit na sa mga barangay ang nasabing proyekto na pinasimulan noon pang 2017 upang ibalik sa mga Binanense ang tulong at suporta na ibinigay nila sa mga opisyal ng lungsod sa nakalipas na mga taon. (Larawan mula kay Catherine Go)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #HandogPasasalamat