Golden anniversary ng Tayabas Community Hospital
Quezon

Golden anniversary ng Tayabas Community Hospital

Feb 5, 2026, 6:37 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

Limampung taon ng taos-pusong paglilingkod sa mga Tayabasin. Ito ang ipinagdiwang ng mga opisyal ng Tayabas Community Hospital ngayong Lunes, January 26.

Dumalo sina Mayor Piwa Lim, City Administrator Atty. Voltaire Dela Cruz, Konsehal Jerry Talaga, Konsehal Jerry Caagbay, Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Ana Obispo, Konsehal Phaula Nadres, Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Riza Llaneta, Konsehal Carmelo Cabarrubias, Konsehal Dino Romero, Konsehal Manny Maraig, PKB President Conrado Aragon at SK Federation President Miguel Obdianela sa 50th Anniversary kick-off ceremony ng Tayabas Community Hospital.


Pinangunahan ang programa ng mga pangunahing opisyal ng Tayabas Community Hospital Inc.,- Dr. Joel R. Aguilan bilang Punong Abala, Dr. Jeremias M. Gonzales bilang Hospital Director at Opening Kick-off Committee, Dra. Samantha O. Mortos bilang CEO and President, at Ms. Annette O. Gonzales bilang Chairman ng 50th Foundation Anniversary.


Dumalo rin sa okasyon si Governor Angelina "Doktora Helen" Tan, na nagpahayag ng kanyang paghanga at pasasalamat sa patuloy na kontribusyon ng ospital sa pangangalaga ng kalusugan ng mga Quezonian.


Binigyang-diin ni Lim ang kahalagahan ng Tayabas Community Hospital Inc. bilang mahalagang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong medikal na may kalidad at malasakit.


Ayon sa kanya, ang 50 taon ng ospital ay patunay ng matibay na paninindigan nito sa paglilingkod sa komunidad at sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa lungsod.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #TayabasCommunityHospital


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.