'Gender-neutral' na ang San Pedro SDO
OpinYon Laguna

'Gender-neutral' na ang San Pedro SDO

Mar 16, 2026, 7:23 AM
Kenneth Sacro

Kenneth Sacro

Contributor

Kasabay ng pagdiriwang ng National Women’s Month, lalo pang pinalakas ng Schools Division Office (SDO) San Pedro City ang paggalang at inclusivity sa loob ng kanilang organisasyon.

Sa ginanap na Management Committee (ManCom) Meeting noong March 3, pormal nang inilabas ng SDO San Pedro City ang Division Memorandum No. 110, s. 2026, na nagtatakda sa paggamit ng “Mx.” bilang isa sa mga honorific sa mga dokumento, memorandum at opisyal na komunikasyon.


Ang “Mx.” ay isang gender-neutral na pamagat na hindi tumutukoy sa kasarian ng isang tao.


Gayong sinimulang gamitin ang nasabing honorific sa Estados Unidos noong 1970's, bandang 2010's lamang naging malawakan ang paggamit nito kasabay ng pagsusulong ng gender inclusivity.


Ayon sa DepEd San Pedro, layunin nitong itaguyod ang pagkakapantay-pantay at paggalang sa iba’t ibang identidad sa lugar ng trabaho, alinsunod sa Gender and Development (GAD) Framework ng Department of Education.


Sa pamamagitan ng hakbang na ito, layunin ng SDO San Pedro City na higit pang palakasin ang isang inklusibo at makataong pamamalakad sa loob ng organisasyon.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #GAD #DepEd



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.