Internet access na ang pamantayan para sa pagkatuto ng mga estudyante ngayon.
Kung sakali kasing nakukulangan sila sa binabasang libro, maaari silang sumangguni sa saganang handog na impormasyon ng iba’t-ibang online website.
Dito, may opsyon silang mamili kung paanong paraan nila uunawain ang isang bagay—may lecture para sa mga beginner at may reading materials din para sa mga advanced learner.
Ang kahalagahan na ito ay higit na nauunawaan ni Santa Rosa City Representative Roy Gonzales, kaya naman isang malaking hakbang ang inilunsad niya para sa mga estudyante ng lungsod.
Ito ay dahil inaprubahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kaniyang kahilingan na magkaroon ng libreng WiFi sa mga pampublikong paaralan sa Santa Rosa.
Aabot sa 11 public high schools sa nasabing lungsod ang magkakaroon ng libreng WiFi access, kabilang na ang mga sumusunod:
- Aplaya National High School
- Leon C. Arcillas National High School
- Balibago Integrated High School
- Don Jose Integrated High School
- Pulong Sta. Cruz National High School
- Santo Domingo Integrated High School
- Santa Rosa Science and Technology High School
- Southville 4 High School
- Labas Senior High School
- Sinalhan Integrated High School
- Dita Integrated School
Pahayag ni Gonzales, ang pagpapatupad nito ay pagsusulong din ng isang accessible na edukasyon at teknolohiya upang mapadali ang buhay ng mga mag-aaral.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #FreeWifiForPublicSchoolssaStaRosa

