Food dialogue ng DA, binansagang kapulungan ng bureaucrats photo from KMP, facebook
Agriculture

Food dialogue ng DA, binansagang kapulungan ng bureaucrats

Jul 20, 2021, 4:31 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, ang mga magsasaka na gumagawa ng pagkain ay nagugutom subalit ang isinasagawang mga solusyon ng DA ay pawing pabor at mula sa panukala ng mga bureaucrats at pinuno ng corporations na walang alam hinggil sa gutom.

TINULIGSA ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Department of Agriculture (DA) dahil sa kawalan umano nito nang aktuwal na food producers para sa inilunsad na National Food System Dialogue kamakailan.

Sa isang pahayag, sinabi ni KMP national chairperson Danilo Ramos na pina-patronize lamang umano nito ang iilang mga negosyante habang nagugutom ang mga tao.

Dagdag pa ni Ramos, ang mga magsasaka na gumagawa ng pagkain ay nagugutom subalit ang isinasagawang mga solusyon ay mula sa ideya ng mga bureaucrats at pinuno ng corporations na walang alam hinggil sa gutom.

“Worse, these bureaucrats just keep on celebrating each other’s failures! They celebrate the Rice Liberalization Law, while ordinary Filipinos struggle to buy rice; they celebrate Executive Order (EO) No. 134, while pork prices continue to be inaccessible,” dagdag pa ni Ramos sa kanyang pahayag.

Sinabi pa ng KMP na ang Rice Liberalization Law ay pinapayagan lamang ang walang tigil na pagpasok ng rice imports simula pa noong 2018.

Nabatid pa sa grupo na ang rice self-sufficiency rate ng bansa ay bumaba ng 79.8 porsiyento mas mababa simula noong 1994.

Ayon pa sa grupo, ang EO No. 134ay pinapayagan lamang ang walang tigil na pagpasok ng 250,000 metric tons ng imported na baboy sa mababang tariff rates upang bumaba ang presyo ng baboy.

Sa sarili umanong monitoring ng DA ay isiniwalat ang retail prices ng baboy na kasim at liempo sa kasalukuyan ay nananatiling P340 hanggang P370 per kilo, mas mataas sa inirerekomendang retail price ng DA na P270 hanggang P350 ayon sa pagkakabanggit.

Sa pinakahuling Rapid Nutrition Assessment Survey na isinagawa ngFood and Nutrition Research Institute (FNRI)ay binanggit na record-high anim sa 10 pamilya ay nakakaranas ng gutom ng 2020.

Sinikap naman ng OpinYon na makuha ang panig ng Department of Agriculture sa statement ng KMP subalit nabigo ito. (SC)

Tags: #DepartmentOfAgriculture, #KilusangMagbubukidNgPilipinas, #foodsufficiency, #NationalFoodSystemDialogue


More about Agriculture

Bad news! Palay prices drop 2.8% in 1st half; rice stocks fall to 3-year-low photo from BusinessMirror

Bad news! Palay prices drop 2.8% in 1st half; rice stocks fall to 3-year-low

3 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.