'Fake news' sa TUPAD
DOLE

'Fake news' sa TUPAD

May 13, 2024, 8:50 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Paalala sa mga nagnanais na maging benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD): mag-ingat sa mga kumakalat na post sa Facebook na nag-aalok umano ng assistance sa pamamagitan ng TUPAD.

'Fake news' sa TUPAD

'Fake news' sa TUPAD

Sa isang abiso sa publiko kamakailan, mariing pinabulaanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) IV-A ang kumakalat na "maling impormasyon" sa social media tungkol sa naturang programa.

Nilinaw ng DOLE IV-A na hindi sila nag-aalok ng one-time cash assistance na P6,000-P8,000 sa mga magtatapos na mag-aaral dahil ang mga benepisyaryo ng TUPAD ay tumatanggap ng pang-araw-araw na sahod batay sa minimum wage ng kanilang rehiyon.

Binigyang-diin ng ahensya na ang TUPAD ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng kanilang pakikipagtulungan sa mga Public Employment Service Offices (PESO) ng mga local government unit (LGUs) sa rehiyon.

Bukod pa rito ay maaari pa umanong magamit ang mga ibinahaging link sa naturang mga post upang makuha ng mga hacker ang mga personal na detalye ng mga social media user.

Hinihikayat ng ahensiya ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita sa social media at agad i-report ang mga kahina-hinalang post na may kaugnayan umano sa kanila.

#WeTakeAStand #OpinYon #TUPAD #DOLE #PESO #LGUs


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.