Panelo Said
Panelo said

Eight reasons why Pinoys should get vaccinated

Jul 30, 2021, 2:57 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on Stricter health protocols due to Delta variant, Eight reasons why Pinoys should get vaccinated, LGUs should craft systems for speedy and orderly vaccinations and on DND praises Digong’s achievements in peace and order

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" July 28, 2021 episode)

Stricter health protocols due to Delta variant

"Doon po sa naging State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Lunes, eh nagbabala po siya na maaring merong posibilidad na magkaroon na naman ng lockdown kung ito pong delta variant eh kumalat sa buong bansa."

"At sinasabi ng mga Western medical expert na mas agressibo ito at mas mapanganib dahil maaring maging dahilan ng dagliang kamatayan."

"Kaya sabi ni Pangulong Duterte na kailangang mapaghandaan ito sapagkat napakamapanganib at kung kailangang bumalik sa lockdown para hindi kumalat ay maaaring ipag-utos niya ito"

"Dahil ditto ngayon pa lang ay nagbababala na siya at gusto niyang mag-ingat tayo at sundin ang basic health protocols para hindi na tayo bumalik sa lockdown."

Eight reasons why Pinoys should get vaccinated

"Iyong Vaccine Expert Panel chairperson na si Dr. Nina Gloriani, binigyan po tayo ng walong dahilan kung bakit kailangan nating mabakunahan:

1. Mababawasan ang panganib na kayo’y mahawaan ng coronavirus o delta variant.

2. Makakatulong din ang bakuna upang tayo ay mailigtas sa maselang sakit na dala nang coronavirus.

3. Pag kayo’y bakunado kayo ay magiging bahagi ng mga protektado na at magdadagdag kayo sa pagbubuo ng tinatawag na ‘herd immunity.’

4. Pag protektado mo ang sarili mo, e di pinoprotektahan mo din yung mga mahal mo sa buhay yung mga nakapaligid sayo.

5. Sa pamamagitan ng bakuna makakatulong kayo na hadlangan ang pagkalat ng virus.

6. Kapag ika’y bakunado na, hindi lamang nadepensahan mo ang iyong sarili laban sa virus at the same time eh mahahadlangan mo na magreplicate ito into several mutations which can be more resistant to the vaccines currently available.

7. You can start doing more, ibig niyang sabihin pag ika’y bakunado na siyempre hindi ka na natatakot gumalaw hindi ka na natatakot lumabas alam mo na medyo nasa safety ka na eh.

8. Iyon daw pong bakuna ang huling hakbang sa mga galaw natin upang makabalik sa normal na buhay.

LGUs should craft systems for speedy and orderly vaccinations

"Sabi po ng Presidente Duterte, kailangan iyong mga LGUs po natin eh lumikha ng isang sistema sa pagbabakuna na protektado ang mga tao at hindi nahihirapan gaya ng pumipila sila kahit umuulan para lang mabakunahan."

DND praises Digong’s achievements in peace and order

"Sabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ay marami ang na-accomplish ni Presidente Duterte para palakasin anbg seguridad ng bansa laban sa internal at external threats."

"Iyong Tanggulang Pambansa nga natin eh mas malakas na ngayon kaysa noong mga panahon, sapagkat si Presidente eh talagang sinuportahan ang sandatahang lakas lalong-lalo na sa pagpo-protekta sa ating kasarinlan at sa ating territorial integrity."

"Isa pa, iyong pag-ibig ni Presidente Duterte sa mga Pilipino eh ipinakita niya sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang komprehensibong programa sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagbibigay pagkakataon sa mga rebelde na magbagong buhay."

More about Panelo said

Panelo Said

PH taking Japan’s terror attack warning seriously

3 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.