Edutourism, isinusulong sa Calabarzon
DOT

Edutourism, isinusulong sa Calabarzon

Mar 17, 2025, 3:12 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Ngayong nagbalik na ang sigla ng turismo sa Calabarzon region matapos ang Covid-19 pandemic, muling hinikayat ng Department of Tourism (DOT) ang mga paaralan na bigyang-prayoridad ang mga yamang kultural ng rehiyon sa kanilang mga sariling excursion o field trip.

Sa naging “Kapihan sa Bagong Pilipinas” ng Philippine Information Agency (PIA) noong March 6, binigyang-diin ni DOT Calabarzon Regional Director Marites Castro ang kahalagahan ng “edu-tourism” upang muling maikintal sa mga kabataang Pilipino ang pagbibigay-halaga sa mayaman at makulay na kasaysayan, sining at kultura ng bansa.

Aniya, sa halip na sa mga mall o mga amusement park, mas maigi para sa mga paaralan na ipasyal ang kanilang mga estudyante sa iba’t ibang mga museo, national parks at iba pang mga makasaysayang pook sa rehiyon.

“We, at the Department of Tourism, hope that through this edutourism initiative, we can enhance student awareness of our culture and history. We also aim for this effort to help the tourism industry thrive and make younger generations more informed,” ayon sa opisyal ng DOT.

Dagdag pa ni Castro, mahalaga ang paglalaan ng panahon sa edutourism upang mabigyan ng “hands-on experience” ang mga kabataan, lalo na sa panahon ngayon na marami ang nahuhumaling na lamang sa kanilang mga gadget.


“Because education is now commercialized, the DOT hopes to bring back the old joy of learning—encouraging students to research more rather than just scrolling through their gadgets,” pahayag niya.

(Ulat mula sa Philippine Information Agency)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DOT #edutourism


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.