DROGA PA MORE
Illegal Drugs

DROGA PA MORE

28 arestado sa isang linggong operasyon kontra ilegal na droga

Apr 16, 2024, 5:19 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

BATANGAS CITY -- Batay sa mas pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga ng Police Regional Office Region 4A, sa pangunguna ni Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth T. Lucas, rumesponde ang kapulisan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa naturang mission order at nakapagtala ng naaresto na halos 30 katao sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon kay Police Senior Inspector Samson Belmonte, BPPO provincial director, ang isang linggong operasyon nila laban sa ipinagbabawal na droga mula ika-31 ng Marso, 2024 hanggang ika-6 ng Abril, 2024, naitala ang 28 successful arrests sa 27 operations.

Maliban pa diyan, nakakumpiska rin ang kapulisan 11.82 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P80,376.

"Ang dedikasyon ng ating mga kapulisan sa pagtugon sa laban laban sa ilegal na droga ay hindi nawawala. Patuloy ang ating paglaban sa ipinagbabawal na gamot upang manatili tayong ligtas sa Bagong Pilipinas,” wika ni Belmonte.

#WeTakeAStand #OpinYon #BPPO #IllegalDrugs #BPPO #PoliceRegionalOfficeRegion4A


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.