Driver ng van na nakabangga sa Tayabas City, inisyuhan ng show-cause order
LTO

Driver ng van na nakabangga sa Tayabas City, inisyuhan ng show-cause order

Feb 18, 2026, 8:10 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Pinagpapaliwanag na ng Land Transportation Office (LTO) Calabarzon ang driver ng van na nasangkot sa isang aksidente sa Tayabas City, Quezon noong February 9.

Isang Show Cause Order ang inilabas ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer Decena laban sa driver at sa rehistradong may-ari ng van.


Inutusan ang dalawa na magsumite ng opisyal na paliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong administratibo kaugnay ng nangyaring insidente.


Ayon sa ulat ng pulisya, mabilis umanong tumatakbo ang van nang, pagdating sa bahagi ng Barangay Lakawan, ay bumangga ito sa motorsiklo, dahilan upang masawi ang dalawang sakay nito at malubhang masugatan ang driver.


Pagkatapos ng aksidente, nagtangkang tumakas ang driver ng van ngunit agad naman siyang nahuli ng mga awtoridad.


Kabilang sa mga tinitingnang anggulo ay ang posibilidad na kolorum ang nasabing van kaya nagtangkang tumakas ang driver.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.