Sa Quezon Province, ang bayan ng Dolores ay may malaking production ng coffee beans, partikular ang Arabica.
Mayroong proyekto ang Office of the Provincial Agriculturist ng Quezon na nagbibigay ng tulong sa mga magsasaka sa Dolores para sa pagtatanim at pag-proseso ng Arabica coffee beans.
Mayroon din coffee processing facility sa Guinayangan, Quezon na tumutulong sa pag-proseso at pag-papamarka ng lokal na kape.
Kamakailan ay nakatangap ng higit P14-milyong pondo ang Guinyangan Coffee Growers Farmers Entrepreneurs o ang grupong G-CAFE para sa kanilang production facility at van.
Ang Quezon Province ay isa sa mga lugar sa Pilipinas na may potensyal sa pag-produksyon ng kape, kasama ang mga iba pang lugar tulad ng Sultan Kudarat, na nangunguna sa produksyon ng kape sa bansa na may kabuuang produksyon na humigit sa 21,000 metric tons.
Sinundan ito ng Bukidnon na nakapag-produce ng humigit 9,000 metric tons at Cavite na humigit sa 8,000 metric tons noong 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ang halaga ng industriya ng kape sa Pilipinas ay tinatayang nasa USD1.62 bilyon noong 2023, at inaasahang lalang sa P200 bilyon sa pagtatapos ng dekada na ito.
Ang merkado ng kape sa bansa ay inaasahang magpapakita ng paglapat ng 5.9 percent na Compound Annual Growth Rate (CAGR) mula 2023 hanggang 2028, at 8.22 percent CAGR mula 2023 hanggang 2028 ayon sa iba't ibang mga ulat.
Samantala, ang Department of Agriculture (DA) ay lumikha na ng tangapan na tututok sa pagpapaunlad ng Philippine coffee industry dahil sa inaasahang pagtaas ng demand nito.
Ang ahensyang binuo sa ilalim ng DA ay tatawaging Coffee Industry Development Office (CIFO), na ang layunin ay harapin ang mga hamon na nagpapabagal sa production ng kape.
Layunin ng binuong tangapan sa DA na palakasin ang koordinasyon,monitoring,supervision and strategic implementation ng mga coffee iniciatives na magpapalakas s coffee industry sa pilipinas.
Makikipag-ugnayan din ang CIFO sa national at regional offices,LGUs,state universities and colleges,private sectors at ang farmers organization para sa matagumpay na implementasyon ng programa.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

