Dispatcher, binaril ng driver, patay
Death

Dispatcher, binaril ng driver, patay

May 11, 2026, 3:38 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Nauwi sa malagim na barilan ang pagtatalo ng isang jeepney driver at dispatcher sa Los Baños, Laguna noong nakaraang Biyernes, May 1.

Dead on arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si alyas "Chris," 24 anyos at residente ng Barangay Bayog, Los Baños, Laguna, matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.


Naaresto naman sa isang hot pursuit operation ang suspek na kinilalang si alyas "Rodolfo," 45 anyos at residente ng Calauan, Laguna.


Sa paunang ulat ng Los Baños Municipal Police Station, naganap ang insidente sa kahabaan ng National Highway sakop ng Barangay Batong Malake bandang hapon ng Biyernes.


Nakaparada umano sa harap ng isang bangko si "Rodolfo" sakay ng kanyang minamanehong jeepney nang komprontahin umano siya ng biktima na isang jeepney dispatcher.


Nagtalo ang dalawa at nang magkasakitan na umano ay bumaba ng jeepney ang suspek at saka binaril nang dalawang beses ang biktima.


Narekober mula kay "Rodolfo" ang isang kalibre .38 na revolver na may lamang dalawang bala.


Nakadetine na ang suspek sa Los Baños Municipal Police Station habang inihahanda ang kasong murder laban sa kanya.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.