DENR, nais i-regulate ang pagbebenta ng chainsaw photo from Freepik
Environment

DENR, nais i-regulate ang pagbebenta ng chainsaw

Aug 25, 2021, 4:39 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Tanging ang mga chainsaw na nabili sa DENR-accredited distributors, importers at sellers ang pinapayagang marehistro, at maaari ring kumpiskahin ang ipinagbabawal na chainsaw at unregistered sawmills kahit na walang warrant.

Nagsagawa na ng konsultasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa regulasyon ng pagbili at pagbebenta ng chainsaws sa mga online selling platform.

Binigyang-diin ni Environment Secretary Roy Cimatu na angpagbebenta ng chainsaws sa online ay hindi pinapayagan ng DENR sa ilalim ng Republic Act (RA) 9175 o ang Chainsaw Act of 2002

"The public is advised to buy chainsaws only from DENR-authorized dealers and have them registered with the nearest DENR office. Those purchased from unauthorized sources like online platforms are deemed illegal and subject to confiscation even without a warrant," babala ni Cimatu.

Sinabi ni Cimatu, ang pagbabawal na ipinatutupad ng gobyerno sa pagmamay-ari at paggamit ng chainsaws ay katulad ng ipinatutupad na batas sa pagbebenta at pagmamay-ari ng baril dahil ang pagkakaroon ng unregistered chainsaws ay isang criminal offense na may parusang pagkakakulong at multa.

Batay sa naturang batas, kinakailangang rehistrado ang chainsaws sa DENR.

Ang sinumang lalabag dito ay maaaring makulong ng anim na taon at ipag-multa ng P30,000.

"Concerned citizens are urged to report suspected illegal possession, use or sale of unregistered chainsaws," apela ni Cimatu.

Ayon kay DENR Assistant Secretary at Forest Management Bureau (FMB) Acting Director Marcial Amaro, Jr., ang DENR-FMB ay gumagawa na ng "workable options to prohibit online selling of chainsaws through a Joint AdministrativeOrder in view of the requirements of RA 9175 and DENR AdministrativeOrder (DAO) 2003-24 on sale, ownership, and use of chainsaws."

Idinagdag pa ng DENR na nakapaloob sa DAO 2003-24 ang implementing rules and regulations (IRR) ng Chainsaw Act, at nakasaad dito kung sino lamang ang maaaring magbenta, gumawa at magmay-ari ng chainsaws.

Sa ilalim ng DAO 2003-24, tanging ang mga chainsaw na nabili sa DENR-accredited distributors, importers at sellers ang pinapayagang marehistro, at maaari ring kumpiskahin ang ipinagbabawal na chainsaw at unregistered sawmills kahit na walang warrant.

Ang DENR-FMB ay nakakumpiska na ng 2,970 chainsaws at iba pang gamit kabilang na ang 1,646 units ng conveyances na ginagamit sa pagbiyahe ng undocumented forest products hanggang sa taong 2020.

Sa Metro Manila, ang DENR-National Capital Region ay nakakumpiska na ng 22, chainsaws – 12 sa Quezon City; pito sa Caloocan; dalawa sa Malabon at isa sa Paranaque.

Tags: #DepartmentofEnvironmentandNaturalResources, #chainsaws, #onlineselling, #ChainsawActof2002


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.