DENR, nagsagawa ng tree planting sa Mulanay
Quezon

DENR, nagsagawa ng tree planting sa Mulanay

Nov 10, 2021, 5:57 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

MULANAY, Quezon – NAGSAGAWA kamakailan ang pamahalaang bayan dito ng tree-planting sa ilalim ng “Tayo ang Kalikasan” program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong humikayat ng iba’t ibang mga grupo na protektahan at pangalagaan ang kalikasan.

Isang ektarya ng lupa sa Barangay Burgos ng naturang bayan ang tinaniman ng 200 mga seedling ng guyabano at 100 mga seedling ng cacao.

Isa lamang ang plantasyon na ito sa mga graduated national greening program site (fruit tree) na nabibilang sa ilalim ng hurisdikyon ng CENRO-Catanauan.

Ang nasabing plantasyon ay may limang taon na simula ng ito’y mataniman ng fruit tree tulad ng guyabano.

Ang mga itinanim na cacao sa loob ng 313 ektaryang plantasyon ay sinuportahan ng Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan ng Mulanay na pinamumunuan ni Gng. Eva Verdera.

Kaugnay nito, isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan sa pagitan ng mga magsasaka at CENRO na naglalayong mapangalagaan at mapaunlad ang mga naitanim sa loob ng 313 ektaryang plantasyon.

Katuwang ang People’s Organization ng Barangay Anonang Farmers Association (BAFA) sa pamununo ni Diosdado Reginio, ang CENRO-Catanauan sa pangunguna ni Nida Barros at iba pang empleyado sa ilalim ng National Greening Program ay nagsagawa ng pagtatanim sa loob ng CY 2016 NGP plantation site.

Kaugnay nito, mapapangalagaan at mapapakinabangan ang mga naitatanim na punla ng cacao sa susunod na mga panahon kaalinsabay ng rehabilitasyon sa lugar.

Patuloy naman na gagampanan ng DENR ang tungkulin na maging katuwang sa pangangalaga ang mga samahang magsasaka sa Mulanay upang mapagyaman ang 313 ektaryang NGP site.

Tags: #opinyonquezon #quezonnews #DENR #TayoangKalikasan #NationalGreeningProgram


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.