Dengue emergency sa Calauan
Medical Health

Dengue emergency sa Calauan

Aug 27, 2024, 6:25 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Mga Lagunense, patuloy pa ring mag-ingat laban sa banta ng dengue.

Sa bayan ng Calauan, nagdeklara na ng State of Public Health Emergency ang lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan.



Ito ay matapos makapagtala na ng 173 na kaso ng dengue sa buong Calauan, kung saan 33 dito ang active cases at 1 ang naitalang nasawi.


Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Rural Health Unit ng Calauan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang masugpo ang dumadaming kaso ng dengue sa bayan.


Gayundin, patuloy ang paglilinis at pagsasagawa ng misting operations ng lokal na pamahalaan ng Calauan bilang pagtugon sa sakit.

(Ulat mula sa Philippine Information Agency)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #StateofPublicHealthEmergencyinCalauan #RuralHealthUnit #CalauanLaguna


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.