Dating lady editor ng Remate tabloid, patay sa pamanaril sa QC photo from Remate
Death

Dating lady editor ng Remate tabloid, patay sa pamanaril sa QC

Aug 17, 2021, 11:37 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Abala sa paglilinis ng salon ang mga biktima nang bigla itong pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek.

PATAY ang isang dating editor ng Remate Express at kasalukuyang advertising manager ng Saksi Ngayon habang nasa kritikal na kondisyon ang kasama nito matapos barilin at pasukin ng hinihinalang holdaper ang salon na pag-aari nito sa Quezon City Martes ng hapon.

Kinilala ang napaslang na si Gwen Salamida, nasa hustong gulang at residente ng Unit 4414 South, Zinnia Condo sa Barangay Katipunan, Quezon City.

Patuloy namang ginagamot ang kasama nito na si Oliver Perona na dinala sa Quezon City General Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 3:35 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gott Salon and Spa na matatagpuan No. 191 Kaingin Road, Barangay A. Samson, Quezon City.

Nabatid sa imbestigador na si PSSg Jason Santoceldes, abala sa paglilinis ng salon ang mga biktima nang bigla itong pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek,

Sinabi sa ulat na nagpahayag umano ng holdap ang suspek habang nakatutok ang hindi pa batid na kalibre ng baril pero nanlaban umano ang mga biktima kaya pinaputukan ang mga ito.

Nang duguang bumulagta ang mga biktima ay agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Sinisiyasat pa ng pulisya ang nasabing krimen.

Tags: #OpinYonMetro, #QuezonCity, #murder, #PhilippineNationalPolice


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.