Dalawang raketa, isang pilak
Sports/Games

Dalawang raketa, isang pilak

2 Lagunense badminton players, wagi sa PH Junior Int'l Series

Aug 17, 2026, 3:21 AM
Juliana Marie Dela Paz

Juliana Marie Dela Paz

Writer

Nagpamalas ang dalawang atleta mula sa lalawigan ng Laguna na sina Seanna Berce at Psalm Tablante ang kanilang husay at determinasyon matapos makamit ang silver medal o unang pwesto sa girls’ under-15 doubles category ng inaugural Philippine Junior International Series 2026.

Isinagawa ang kompetisyon sa Gameville Central Park sa Mandaluyong City at nagtapos noong Linggo, August 9.


Tampok sa torneo ang mga batang manlalaro na nagpakitang-gilas sa larangan ng badminton.


Ang Philippine Junior International Series ay inorganisa sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), bilang bahagi ng pagsuporta sa paglinang ng mga batang atleta sa bansa.


Sa kanilang mahusay na performance, naging dahilan sina Berce at Tablante upang ipagmalaki sila ng University of Perpetual Help System Laguna.


Ang kanilang tagumpay ay patunay ng kanilang sipag, determinasyon, at dedikasyon sa pagsasanay.


Isang malaking karangalan ang tagumpay nina Berce at Tablante para sa kanilang paaralan at komunidad. Sa kanilang pagkakamit ng silver medal, patuloy nilang pinatutunayan na ang sipag at tiyaga ay susi sa pag-abot ng tagumpay sa larangan ng sports.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.