DA at Guinayangan LGU, namahagi ng livestock sa mga  magsasaka
Quezon

DA at Guinayangan LGU, namahagi ng livestock sa mga magsasaka

Feb 10, 2022, 7:41 AM
Grace Chan

Grace Chan

Writer

Layunin ng pamamahagi ng livestock ng Philippine Coconut Authority na mapalawig at mapaunlad ang paghahayupan sa bayan ng Guinyangan, Quezon.

GUINYANGAN, Quezon – SA hangaring mapaunlad ang paghahayupan sa bayang ito, namahagi ang pamahalaang bayan katuwang ang Department of Agriculture (DA), ng livestock sa mga magsasaka noong Huwebes.

Naisakatuparan ang programa sa pamamagitan ng tanggapan ng agrikulturang pambayan sa pamumuno ni Belina Rosales.

Ipinagkaloob ang mga livestock sa mga Barangay ng San Isidro, San Luis II, San Luis I, Bukal Maligaya, Ligpit Bantayan, Tikay, Balinarin, San Lorenzo, Dancalan Central at Danlagan Batis.

Pinangunahan ni Mayor Cesar Isaac III kasama ang kaniyang may bahay Mayora Marieden Isaac, at Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice Mayor Norman Dublois at mga kasamang lingkod bayan.

Tags: #GuinyanganQuezon #QuezonNews #opinyonquezon #opinyonnews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.