Construction worker, patay sa pagbagsak ng gantry
Death

Construction worker, patay sa pagbagsak ng gantry

Aug 17, 2026, 2:11 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Gaano ba kaligtas ang mga trabahador na gumagawa sa North-South Commuter Railway (NSCR) sa lalawigan ng Laguna?

Ito ang tiyak na uusbong na tanong kasabay ng isang insidente ng pagbagsak umano ng launching gantry sa bahagi ng Santa Rosa City, Laguna na ikinasawi ng isang trabahador noong Huwebes, August 6.


Dead on the spot ang biktima na kinilala lamang sa alyas na "Jay-Ar," 41 anyos, habang isinugod sa ospital ang kanyang katrabaho na kinilala lamang sa alyas na "Wang," 38 anyos.


Sa paunang ulat ng Santa Rosa City Police Station, naganap ang insidente pasado 11:04 ng umaga sa construction site ng NSCR South Extension sa Barangay Tagapo ng lungsod na ito.


Nasa cab umano ng launching gantry ang dalawang trabahador nang biglang bumagsak sa lupa ang nasabing makina, kasama ang mga biktima.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung may nangyaring kapabayaan sa naturang insidente.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.