Cobra, nasagip sa Tayabas
Quezon

Cobra, nasagip sa Tayabas

Mar 12, 2026, 1:54 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang batang Philippine Cobra ang matagumpay na nasagip ng Tanggapan ng Kapaligiran at Likas na Yaman (ENRO) ng Lungsod ng Tayabas mula sa isang tahanan sa Barangay Mateuna kamakailan.

Ayon sa ENRO, bagama’t kilala ang Philippine Cobra bilang isa sa mga makamandag na ahas sa bansa, hindi ito nagiging banta sa tao hangga’t hindi ito ginagambala o pinupukaw.

Muling pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na iwasan ang paghawak o paglapit sa mga ganitong uri ng hayop at agad ipagbigay-alam sa mga kinauukulan sakaling makakita ng wildlife sa kanilang paligid.


Ang mabilis na pagtugon at pagsagip sa naturang ahas ay bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga hayop sa kapaligiran mula sa iligal na panghuhuli at pag-aalaga.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.