Clean-up drive sa Biñan River
OpinYon Laguna

Clean-up drive sa Biñan River

Feb 3, 2026, 6:31 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Itapon sa wastong lugar ang basura upang sa huli ay walang magdusa.

Ito ang nais iparating ng lokal na pamahalaan ng Biñan sa publiko matapos ang isinagawang clean-up drive sa ilog ng lungsod kamakailan.

Sako-sakong mga basura na karamihan ay mga plastic waste ang nakolekta ng mga kawani ng City Environment and Natural Office (CENRO) Biñan, Department of Interior and Local Government (DILG) Biñan, at 24 barangay sa naging aktibidad.

Matatandaang madalas umapaw ang ilog ng Biñan tuwing sasapit ang tag-ulan, dahilan para maapektuhan ang kabuhayan ng mga residente sa lungsod.

Kaya naman hindi maipagkakaila na dapat tutukan ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pag-baha bilang bahagi ng mas malawak na solusyon sa patuloy na iniindang problema.

Panawagan ngayon ng kanilang lokal na pamahalaan na isaalang-alang ang kapanan hindi lang ng lahat kundi ng kalikasan.

Ang nasabing clean-up drive ay alinsunod sa mungkahi ng Zero Waste Month at pagkilala sa 25th signing anniversary ng Republic Act 9003 o “Ecological Solid Waste Management Act” na nagpatupad dito.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.