'City of Lakes Festival' sa San Pablo City
Celebrations and Festivals

'City of Lakes Festival' sa San Pablo City

May 4, 2026, 4:14 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

City of Seven Lakes. Ito ang naging taguri sa lungsod ng San Pablo, Laguna sa mahabang panahon.

Ang Pitong Lawa ng lungsod ay higit pa sa simpleng mga anyong-tubig: ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng libu-libong mga San Pableño.


At upang kilalanin ang naging papel ng Seven Lakes of San Pablo sa paghubog sa kasaysayan, kultura at ekonomiya ng lungsod, ibninahagi ng San Pablo City Tourism Office ang bagong "Yakap Lawa: San Pablo City of Lakes Festival."


Ang nasabing pagdiriwang ay isasagawa sa May 9, kasabay ng paggunita sa Charter Day o ang anibersaryo ng pagiging lungsod ng San Pablo.


"For the first time, San Pablo is celebrating our city charter this way—by embracing our identity as a City of Lakes," pahayag ng city tourism office ng San Pablo.


Tampok sa naturang pagdiriwang ang iba't ibang mga aktibidad na siyang magtatampok hindi lamang sa Pitong Lawa kundi pati na rin sa angking yaman at talento ng mga San Pableño.


Isasagawa ang "Yakap Lawa: San Pablo City of Lakes Festival" sa Sampaloc Lake, ang pinakamalaki sa Pitong Lawa ng lungsod.


"Come experience Yakap Lawa: a gathering of art, music, community, and everything that makes life by the lake meaningful," paanyaya ng pamahalaang lungsod ng San Pablo.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #CityofLakesFestival


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.