Aagos ngayong April 28 hanggang 30 ang nakakaantig na mga pelikulang handog ng Cinemalaya sa CineElbi 2026: Hit Wave sa NCAS Auditorium ng University of the Philippines - Los Baños campus (UPLB).
Anim na award-winning at tagos pusong Cinemalaya 2025 full-length films ang nakahandang ipalabas sa nasabing programa naglalayon na palawigin sa masa ang likha at kahalagahan ng mga Pinoy Independent Filmmakers.
Ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay isa sa mga pinakaimportanteng film festival sa Pilipinas na inilunsad noong 2005 ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at ng Cinemalaya Foundation.
Narito ang schedule ng mga pelikulang ipapalabas sa CineElbi 2026:
Day 1
April 28, 2026
4:00 PM - Cinemartyrs
7:00 PM - Bloom Where You Are Planted
Day 2
April 29, 2026
4:00 PM - Paglilitis
7:00 PM - Raging
Day 3
April 30, 2026
4:00 PM - Republika ng Pipolipinas
7:00 PM - Padamlagan
Magbook na ng ticket gamit ang link na ito: bit.ly/CineElbi2026
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

