CHRISTIAN VILLA, ANG ‘SILENT WORKER' NG LYCEUM BATANGAS
Sports/Games

CHRISTIAN VILLA, ANG ‘SILENT WORKER' NG LYCEUM BATANGAS

Apr 2, 2024, 8:12 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

MANILA — Siya ang tipong manlalaro sa hardcourt na maihahalintulad kay rebounds at assists monster na si Dennis Rodman noong kasikatan ng koponan nila noon sa Chicago Bulls sa pangunguna ni living legend Michael Jordan.

Gaya ni Rodman, hindi maraming puntos ang maikakabit sa pangalan ng 18-anyos na manlalaro na si Christian Villa dahil hindi ito ang kanyang papel sa koponan.

Ngunit hindi rin maitatanggi ang kanyang mahalagang papel na nagbibigay ng malaking ambag sa kabuuang performance ng kanyang koponang Lyceum of the Philippines Young Pirates (Main) dati sa National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA) juniors division.

Ang NCAA ang tinaguriang pinakamatandang school league sa bansa na nakatakdang magbukas ng centennial season nito sa susunod na taon.

"Sinisikap ko lang po na makatulong sa paggawa ng mga puntos ng aking mga kakampi," sabi ni Villa na galing pa ng Pilar, Capiz na papasok ngayon sa seniors team ng Lyceum Pirates Batangas City.

Siya’y nakatakdang lumaro sa Lyceum Batangas bilang ganap na senior player ngayong taon.

Bukod dito, limitado ang kanyang oras sa paglalaro sa court na hanggang limang minuto lamang kaya ang kanyang average points per game niya aniya ay umaabot lamang sa dalawa hanggang apat na puntos bawat laro.

Ngunit dahil hindi iyon ang kanyang pangunahing layunin sa court, hindi rin maitatanggi ang kontribusyon ng 6’1” na power forward sa iba pang aspeto.

Ito ang mga bagay na hindi gaanong napapansin ng media ngunit may malaki ang kahalagahan sa tagumpay ng isang koponan.

Kabilang dito ang blocks, steals, assists, at rebounds.

Dito pinatutunayan ni Villa ang kanyang kakayahan at buong pagmamalaki niyang ipinapakita ang kanyang mga nagagawa sa mga aspektong ito.

Kahit limitado ang oras niya sa paglalaro, nag-a-average siya ng 4/10 sa steals, 6/10 sa rebounds, at 8/10 naman sa assists.

Malaki ang kahalagahan ng mga ito kahit hindi ito gaanong napapansin ng mga sportswriter, maliban na lamang kung ang isang manlalaro ay nakakapagtala ng triple-double.

Ito ay nangangahulugan na ang isang manlalaro ay nakakapag-produce ng double-digit na bilang sa baskets o puntos, steals, rebounds, at blocks.

Kung iko-compute ang lahat ng estatistika na ibinigay ni Villa, at na-convert ng kanyang mga kakampi ang mga ito sa puntos, aabot ito sa 32 points sa isang laro ng kanyang school team.

Inaasahan ni Villa na maging kawangis din ang kanyang maiaambag sa Lyceum Batangas sa susunod na season sa pagsisimula niya bilang ganap na senior Lyceum Pirate player.

#WeTakeAStand #OpinYon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.