Chinese national, tumakas mula sa mga kidnapper
OpinYon Laguna

Chinese national, tumakas mula sa mga kidnapper

Apr 13, 2026, 3:45 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Nakatakas ang isang Chinese national mula sa isang sindikato na umano'y dumukot sa kanya sa Calamba City, Laguna noong nakaraang Linggo, April 5.

Kinilala ng Calamba City police ang babaeng biktima na si alyas "Zhang," 27 anyos.


Ayon sa biktima, dumating siya sa Pilipinas galing Mainland China noong March 24, kung saan nanuluyan siya sa isang warehouse sa Pandi, Bulacan.


Noong April 2, nakipagkasundo siyang makipagkita sa isang Chinese national rin na si Lin Peng na nakilala niya sa online chat.


Ngunit nang sumakay na siya sa isang puting Lexus na minamaneho ng isang Li Hao, kaagad umano siyang tinutukan ng patalim ng dalawang lalaking kasabayan niya sa kotse.


Dinala umano siya sa isang bahay sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna kung saan tinali umano ang kanyang mga kamay.


Pinilit rin umano siyang ilipat ang perang nasa bank accounts niya sa account ng mga suspek.


Makalipas ang dalawang araw, nagawa niyang makatakas at pumunta sa isang electronics company sa Canlubang, na agad namang tumawag sa mga awtoridad.


Kaagad namang dinakip ng mga pulis ang isang alyas "Paul" na nagpanggap umanong driver ng biktima matapos siyang mahulihan ng baril sa loob ng kanyang sasakyan.


Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Chinese Embassy ang biktima, habang patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad upang madakip ang mga suspek.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.