Isang Chinese national na umano'y sangkot sa pagdukot sa kanyang kababayan ang nadakip sa tulong ng isang mobile translation app nitong gabi ng Lunes, July 22.
Batay sa ulat ng Calamba City Police Station, inaresto ang suspek na kinilala lamang sa alyas "Hu" matapos magpatulong ang kanyang naging biktima sa isang security guard ng isang exclusive subdivision sa Barangay Punta sa nasabing siyudad.
Ayon sa guard na kinilalang si Jovan Castillo, isang lalaking Chinese ang lumapit sa kanya sa loob ng subdivision bandang alas-siyete ng gabi ng Lunes at nagtangkang makipag-usap sa kanya.
Nang una ay hindi umano maintindihan ni Castillo ang sinasabi ng lalaki kaya't gumamit siya ng Google Translator mobile app para maunawaan siya.
Doon na lumabas na isa palang biktima ng pagdukot ang Chinese national, kung saan sapilitan siyang dinala ni "Hu" sa isang bahay na nirentahan nito sa loob ng subdivision.
Tumawag agad sa mga pulis si Castillo na siya namang nagkasa ng isang operasyon upang madakip ang suspek.
Nakakulong na si "Hu" sa Calamba City Police Station habang patuloy ang imbestigasyon sa nasabing krimen.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNewsTeam #Kidnapping