Sino nga ba ang mag-aakala na may ibubuga pa pagdating sa pagkain ang lungsod ng San Pablo?
Ito ang natuklasan ni Chef Tatung kamakailan matapos ang kaniyang naging pagbisita bilang bahagi ng isang “four-day food crawl.”
Natunghayan ang tanyag na chef at online personality na bumisita sa 12 restaurant at food stop sa lungsod.
Hindi lang niya natikman kundi tunay na nalasap ang iba pang natatagong sarap ng tinaguriang “City of the Seven Lakes.”
Mula sa mga lutuing tatak San Pableño hanggang international cuisine, saksi ang naturang chef kung gaano kalaki ang potensyal at kayaman ng kanilang food industry.
Higit pa rito, nakakuha rin siya ng pagkakataon upang itampok ang ilan sa mga ipinagmamalaking lugar sa San Pablo.
Kabilang sa mga naitampok niya ay ang ancestral home na Fule-Malvar Mansion, na kinikilalang sagisag sa lokal na kasaysayan.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

