Carnapped na kotse, inabandona sa Cabuyao
OpinYon Laguna

Carnapped na kotse, inabandona sa Cabuyao

Feb 9, 2026, 7:23 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang sasakyan na pinaniniwalaang tinangay noong nakaraang buwan ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Cabuyao City, Laguna noong Martes, February 3.

Sa ulat ng Cabuyao City police, nadiskubre ng isang traffic enforcer ang isang kulay itim na KIA Carnival na tila inabandona sa isang bakanteng lote sa Katapatan, Barangay Banaybanay ng lungsod na ito.


Matapos ang isinagawang verification ng mga awtoridad, napag-alaman na ang nasabing sasakyan ay tinangay mula sa may-ari nito noong January 8, 2026, sa Barangay 3, Calamba City, Laguna.


Isinailalim na sa pagsusuri ng scene of the crime operatives (SOCO) ang nasabing sasakyan upang matukoy kung sino ang mga salarin at kung nagamit rin ito sa iba pang krimen.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.