Nagbigay-pugay ang kilalang "leaf artist" ng Biñan City, Laguna na si Mary Mae Dacanay sa atletang Pilipino na si Carlos Yulo, isang araw matapos itong makasungkit ng gintong medalya sa nagpapatuloy na 2024 Olympics sa Paris, France noong nakaraang Sabado, August 3.
Si Yulo, na nagwagi sa men's artistic gymnastics event nitong nakaraang Sabado, ang ikalawang Pilipino na nanalo ng gold medal sa kasaysayan ng Olympic Games. Nagkamit din siya ng ikalawang gold medal sa vault category.
(Larawan mula sa Facebook page ni Mary Mae Dacanay)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #2024ParisOlympics