Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang Canadian national na sangkot umano sa child abuse cases sa isang operasyon sa Santa Rosa City, Laguna kamakailan.
Sa ulat ng PNP ngayong Martes, July 7, inaresto ang nasabing dayuhan ng mga tauhan ng Foreign Intelligence and Liaison Division (FILD) sa isang operasyon sa Barangay Caingin.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ang pagdakip sa hindi kinilalang Canadian national ay nag-ugat sa Green Notice na inisyu ng Interpol kamakailan.
Nauna nang nakulong ang dayuhan dahil sa magkakahiwalay na kaso ng sexual assault sa Cambodia at Thailand, kung saan ang biniktima umano niya ay mga kabataang lalaki.
Bukod pa rito ay may nauna na ring kahalintulad na kaso ng sexual assault sa Biñan City, Laguna na isinampa naman noong September 2022.
"The Philippines will not serve as a sanctuary for fugitives who prey on the vulnerable. Through sustained cooperation with our international and local law enforcement partners, the PNP will continue to locate and apprehend individuals who seek to evade justice," pahayag ni PNP Chief General Melencio Nartatez Jr.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

