'Camping vibes' habang nagkakape
OpinYon Laguna

'Camping vibes' habang nagkakape

‘Camp of Coffee’ sa San Pedro City

Feb 16, 2026, 7:06 AM
Jeremy Rago

Jeremy Rago

Contributor

Usap-usapan sa social media ang naging grand relaunching ng “Camp 1” ng Camp of Coffee sa Barangay Poblacion, San Pedro City, Laguna noong January 30.

Unang nagbukas noong 2024, ang Camp of Coffee ang kauna-unahang “camping-themed” coffee theme sa lalawigan ng Laguna.


Mula sa isang maliit na kiosk na may mga kaunting upuan at lamesa (na pinuna pa sa social media dahil sinakop umano ang bangketa), may “all-new/renovated look” na ang nasabing establisyimento.


Mararamdaman mo talaga ang alfresco and camping vibes sa kanilang new look ngayon.


At ngayon, hindi lamang sa Poblacion mo mararanasan ang nasabing kakaibang coffee experience.


Mayroon na silang dalawa pang branch na matatagpuan sa Barangay Chrysanthemum sa San Pedro City (“Camp 2”) at Barangay Canlalay, Biñan City (“Camp 3”).


Binabalik-balikan ng kanilang mga customers na kung tawagin ay “Campers” ang kanilang mga espresso and non-espresso drinks.


Patok sa kanila ang Camper’s Cup na toasted marshmallow flavored iced latte, Hiker’s Cup na espresso infused matcha latte, at ang Glamper’s Cup na matcha infused creamy strawberry flavored.


“The concept of this cafe appeals to us in a way that it makes us feel warm and cozy, the camp chairs and lanterns makes you feel like you're out with your loved ones on a trip where you're supposed to have some deep thoughts in the middle of the night!” pag-anyaya ng isang netizen sa toprated.online.


Pahayag din naman ni Dabyahero sa kanyang pagbisita sa Camp 3, “Camp of Coffee isn’t just about the drinks, it’s really the experience, yung tipong tambayan na babalik-balikan mo not because you have to pero dahil gusto mo.”


Dumalaw rin ang isang kilalang food vlogger na si MarkyBap sa Camp 1 ng coffee shop.


Ayon sa naunang vlog ni Marky, “I admire how they stick to their concept na magbigay ng camping experience sa customers through french press, and sobrang nagustuhan ko tong matcha drink na to [Glamper’s Cup].”

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.