Calambeña athlete, kampeon sa Indonesia
Athlete

Calambeña athlete, kampeon sa Indonesia

Jul 7, 2026, 12:58 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Hindi lang finish line ang nakamit ni Loraine Batalla, mula sa lungsod ng Calamba, kundi maging ang kampeonato sa nagdaang 2026 Indonesia Open U18 Athletics Champions noong June 27 hanggang 30 sa Jakarta, Indonesia.

Ito ay matapos niyang madaig ang mga koponan mula sa iba’t-ibang bansa dahil sa ipinamalas niyang husay sa tatlong kategorya.


Unang nasungkit ni Batalla ang gintong medalya noong Linggo, June 27, para sa Women’s 400m kung saan nakapagtala siya ng 57.14 seconds.


Sinundan agad ito ng isa pang gintong medalya noong Lunes, Hunyo 28, para naman sa Women’s 400m Hurdles.


Natapos niya ang naturang kategorya sa record na 1 minute & 04.56 seconds.


Bago tuluyang natapos ang nasabing athletic competition, nadagdagan pa ulit ang natanggap na medalya ng batang atleta.


Nakuha niya kasi ang silver medal matapos niyang sumabak sa Women’s 200 meters kung saan nakapagtala siya ng 25.75 seconds.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.