Calabarzon, overall champion sa NSPC 2026
DepEd

Calabarzon, overall champion sa NSPC 2026

Apr 27, 2026, 6:35 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Nanaig ang rehiyon ng Calabarzon bilang Overall Champion sa National Schools Press Conference (NSPC) 2026 na ginanap sa Ormoc City, Leyte noong April 13 hanggang 17.

Sa gitna ng mahigpit na tagisan at paglalaban ng pinakamahuhusay na batang mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng bansa, nagningning ang husay, talino, at dedikasyon ng mga delegado ng Calabarzon.


Pinangunahan ng 120 kalahok mula elementarya hanggang sekundarya, ipinamalas ng Calabarzon ang kanilang kahusayan sa lahat ng kategorya ng pamamahayag—mula pagsulat, pag-uulat, hanggang malikhaing pagpapahayag.


Ang kanilang tagumpay ay sumasalamin sa matinding paghahanda, suporta ng mga guro, at pagkakaisa ng buong rehiyon.


Sunod namang nagtamo ng karangalan ang National Capital Region (NCR) bilang 2nd place, sinundan ng Region II (3rd place), Region V (4th place), at Region III (5th place).


Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng nagwagi at higit sa lahat, sa Calabarzon na muling nagpatunay ng kanilang galing at determinasyon sa larangan ng campus journalism.

Photo Courtesy: DepEd Philippines

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.