Sa kabila ng mga hamon na kinaharap ng Pilipinas noong nakaraang taon, patuloy pa ring namayagpag ang ekonomiya ng Calabarzon region noong 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa isang briefing noong nakaraang linggo, inihayag ni PSA Calabarzon Regional Director Charito Armonia na lumago ang ekonomiya ng Calabarzon sa P3.44 trilyon noong 2025 kumpara sa P3.27 trilyon noong 2024.
Ito ay sa kabila ng bahagyang pagbabagal ng growth rate sa rehiyon dulot ng mga kalamidad na sumubok sa rehiyon noong taong iyon.
Sa opisyal na datos ng PSA Calabarzon, bahagyang bumagal ang economic growth rate ng rehiyon sa 5.1 porsiyento noong 2025, kumpara sa 5.7 porsiyento na naitala noong 2024.
Ang sektor pa rin ng manufacturing ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng ekonomiya ng rehiyon, na nakapag-ambag ng 48.6 porsiyento ng ekonomiya ng Calabarzon.
Sumunod dito ang services sector (47.1 porsiyento) at ang sektor ng agrikultura, forestry at pangingisda (4.1 porsiyento).
Ang Calabarzon ang pangalawa sa pinakamataas na nakapag-ambag sa gross domestic product (GDP) ng Pilipinas noong 2025, ayon pa kay Armonia.
“Of the Philippines’ 4.4 percent Gross Domestic Product (GDP) growth in 2025, Calabarzon contributed 0.7 percentage point, the second highest among 18 regions,” aniya.
(Ulat mula sa PNA)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

