Kahit tayo-tayo lang ang nagtutulungan sa krisis ng pagtaas ng langis at bilihin, hindi pa rin naa-out-of-tune ang “bayanihan essence” ng ating mga kapwa Pilipino.
Kabilang na rito ang San Pedrense na si Allen, na ngayo'y ginagamit ang kanyang talento upang makapag-ambag para sa mga apektado ng krisis sa langis.
Isang "busker" o street performer si Allen na mas kilala bilang "Soyallen" sa social media.
Nagpe-perform siya sa mga pampublikong lugar tulad ng mga mall at food parks sa San Pedro City at karatig na mga lugar upang makalikom ng mga donasyon.
Bilang apo ng isang tricycle driver, batid ni Allen ang hirap na dinaranas ng mga tsuper sa kanilang araw-araw na pamamasada.
"Alam naman natin na tumaas yung mga presyo ng langis and isa sa mga malaking naapektuhan doon is yung mga tricycle driver, jeepney driver; isa na rin naapektuhan yung lolo ko," aniya.
Himig ni Allen na siya ang maging tulay para matulungan ang mga tsuper.
"Hindi lang mai-share yung music ko, pero at the same time mai-share ko rin yung natatanggap ko through my passion," dagdag pa niya.
Sinimulan niya ang "Busking for a Cause" noong April 29 sa SM City Calamba, at balak niya itong ipagpatuloy sa kanyang mga susunod na vlog.
Sa kasalukuyan ay nakalikom na si Allen ng P3,172.00, na balak niyang ipangtulong sa mga drivers.
Tunay na ang talentong pang-masa, talentong para sa masa.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYon News

