Magandang balita para sa mga nagnanais kumita ng extra ngayong tag-init!
Inilunsad kamakailan ng Biñan City Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang "Free Business Permit" program para sa mga nagnanais magtayo ng negosyo sa nasabing lungsod.
Simula April 13, tumatanggap na ang Biñan BPLO ng application para sa mga first-time entrepreneur sa lungsod, kung saan hindi na nila kailangan pang magbayad ng mga kinakailangang fee sa pagpaparehistro ng kanilang mga negosyo.
Para mag-qualify sa nasabing programa, kailangan lamang na ang negosyo ay:
- First-time business applicant
- No prior business record
- May puhunan (capital) na hindi lalagpas sa P200,000
- Rehistrado at qualified sa Barangay Micro Business Enterprise (BMBE)
- Walang tax delinquencies
Hindi naman sakop ng nasabing programa ang ibang mga "national fees" mula sa mga national government agencies.
Tatagal ang nasabing programa hanggang June 1.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

