Bus at SUV, nagsalpukan sa Majayjay; 6 patay
Accidents

Bus at SUV, nagsalpukan sa Majayjay; 6 patay

Oct 7, 2024, 2:52 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Anim na pasahero ang namatay sa salpukan ng isang pampasaherong bus at isang kotse sa Majayjay, Laguna noong Linggo, September 29.

Karamihan sa mga nasawi ay sakay ng pampasaherong bus na may plate number ABE-1521 at minamaneho ng isang Nelson Balanos, residente ng Barangay Cupang, Muntinlupa City.

Ayon sa paunang imbestigasyon, inarkila ang nasabing bus at pabalik na sa Cavite mula sa Lucban, Quezon nang sa pakurbadang bahagi ng Lucban-Majayjay Road sa Barangay Bakia, ay sinalpok nito ang isang Hyundai Kona na minamaneho naman ni Hazel Reyes, residente ng Atimonan, Quezon.

Kaagad nawalan ng kontrol ang bus, dahilan upang sumalpok ito sa isang puno sa gilid ng daan.

Apat sa mga pasahero ng bus ang dead on the spot habang dalawa naman ang pumanaw sa ospital.

Umabot naman sa 57 na mga pasahero ng bus at SUV ang isinugod sa iba't ibang mga pagamutan.

Ayon sa mga awtoridad, accident-prone ang nasabing lugar dahil sa matarik at paliku-likong daan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing aksidente.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonStories #Accident


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.