Isang tanong ang sumisikò ngayon sa mga Lucbanin: Tradisyon pa ba ang “Buhusan” tuwing tag-init, o isa na itong perwisyo na dapat na bang itigil?
Nitong Linggo, April 6, isang aksidente ang naganap sa Barangay Ayuti, Lucban, Quezon na kinasangkutan ng tatlong motorsiklo.
Isa sa mga biktima ay isang J&T driver mula Taguig na nagtamo ng bali sa tadyang at balikat, at kasalukuyang nagpapagaling sa MMG Lucban Hospital.
Ayon sa pahayag ni "Jhannie," isa sa mga biktima, huminto sila at nakiusap na huwag buhusan, ngunit hindi sila pinakinggan.
Dahil dito, nawalan sila ng vision at kontrol sa manibela, dahilan upang tumawid sa kabilang lane na nauwi sa disgrasya.
Humihingi ngayon ng tulong ang mga biktima dahil sa laki ng gastusin sa ospital, at hinihingian pa sila ng P30,000 na down payment ng nakabangga sa ADV na motor.
Naiulat na rin sa pulisya ang insidente at bukas ang kaso para sa amicable settlement.
Agad namang umaksyon ang mga lokal na opisyal upang imbestigahan ang insidente at matulungan ang mga apektado.
Sa pahayag ni Konsehal Mike Borines, nagpaabot na sila ng guarantee letter o medical assistance para sa mga biktima.
Habang ipinagpapatuloy ng mga awtoridad ang imbestigasyon, paalala naman ng karamihang Lucbanin na bagama’t mahalaga ang mga tradisyon, higit na mahalaga ang kaligtasan ng bawat isa.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BuhusanFestival

