‘𝐁𝐫𝐞𝐚𝐝 𝐨𝐟 𝐇𝐨𝐩𝐞’ 𝐧𝐠 𝐁𝐉𝐌𝐏 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐛𝐢𝐧𝐮𝐤𝐬𝐚𝐧
BJMP

'Bread of Hope' ng BJMP Tanauan City, binuksan

Mar 5, 2024, 8:41 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

TANAUAN City -- “One loaf at a time will make a difference.

Iyan ang motto ng bagong proyekto ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Tanauan City matapos itong buksan noong Lunes (26 Feb 2024).


Naging pangunahing panauhin ng "Bread of Hope" launch si Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang Tanauan CSWD at pamunuan ng BJMP Tanauan City na pinamumunuan ni Warden Female Dormitory JInsp Allain Mabastillas.


Sa mensahe ni Mayor Sonny, ipinunto niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan na pangmatagalan sa ating mga kababayan na Persons Deprived of Liberty (PDLs).


Ayon sa kanya ang pagpaparating ng ganitong programa ay isa sa mga paraan upang bigyan ng bagong pag-asa ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga pagsasanay na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.


Ang "Bread of Hope" ay resulta ng Sustainable Livelihood Program na ibinigay ng DSWD, Tanauan CSWD, at Pamahalaang Lungsod bilang pasimulang puhunan.


Sa ngayon, nagsisimula nang magproduksyon ng mga tinapay ang mga PDLs.


Ilan sa kanilang produkto ay pan de coco, pandesal, at spanish bread na kanilang ibinibenta rin, habang ang iba naman ay ipinagbibili ng pamunuan ng BJMP Tanauan City para sa mga bisita ng mga PDLs.


#WeTakeAStand #OpinYon #BJMP #Tanauan #CSWD



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.