Botika, nilooban sa Calamba City
Crime

Botika, nilooban sa Calamba City

Sep 2, 2025, 3:08 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Aabot sa humigit-kumulang P78,000 na halaga ng mga ari-arian ang tinangay ng isang suspek mula sa isang botika sa Calamba City, Laguna nitong nakaraang Sabado, August 23.

Iniulat ang insidente sa lokal na pulisya ng biktima na kinilalang si alyas "Jerico," 55 anyos at residente ng Barangay Inchican, Silang, Cavite.

Ayon sa biktima, iniulat sa kanya ng store supervisor ng botika na pagmamay-ari niya na matatagpuan sa Barangay 5, Calamba City, Laguna ang nasabing insidente.

Batay sa salaysay ng supervisor, pagpasok umano ng staff ng botika bandang 5:40 ng umaga ng Sabado ay nadiskubre nilang may nakasabog na mga gamit sa sahig at bukas na ang kaha ng botika.

Sa pagrerebyu nila sa CCTV footage sa nasabing tindahan, nadiskubreng isang lalaking nakasuot ng grey na jacket ang pumasok sa kisame ng botika noong gabi ng Biyernes, August 22.

Tinatayang aabot sa P77,000 na halaga ng cash at hindi pa matukoy na halaga ng mga paninda at equipment sa loob ng tindahan ang tinangay ng kawatan.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang CCTV footage upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang insidente.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.