Border control checkpoints sa Quezon, pinag-aaralang ibalik photo Philippine Star
Quezon

Border control checkpoints sa Quezon, pinag-aaralang ibalik

Jan 7, 2022, 3:56 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Pinag-aaralan na ng lalawigan ng Quezon na ibalik ang border control checkpoints matapos nakapagtala ang lalawigan ng bahagyang pagtaas ng kaso ng Covid-19.

LUCENA CITY, Quezon – Pinag-aaralan na ng lalawigan ng Quezon na ibalik ang border control checkpoints matapos nakapagtala ang lalawigan ng 258 na panibagong aktibong kaso, Huwebes (January 6).

Ayon sa pahayag ni Governor Danilo Suarez, ang muling paglalagay ng mga checkpoint sa mga border ng lalawigan ng Laguna at sa Rehiyon ng Bicol ay maaaring kailanganin upang mabawasan ang pagtaas ng kaso ngCovid-19 saQuezon.

Ayon sa mga health official, ang pagdagsa ng mga mamimili ngayong panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon ang diumano’y ugat nangpagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan at pag-uwi ng mga Quezonin mula sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa bulletin na inilabas ng Integrated Provincial Health Office nakapagtala ng 258 aktibong kaso ng Covid-19 ang lalawigan kahapon (Huwebes).

Nanguna sa listahan ang Lucena City na may 36 active cases habang ang munisipalidad ng Sariaya at Dolores ay mayroong 35 na kaso.

Ang Tayabas City ay nakapagtala ng 22 kaso habang ang bayan ng Lucban ay mayroong 21; Candelaria,20; Mauban, 14; Tiaong, 12; Infanta, 10; Pagbilao, 9; Lopez, 8; Tagkawayan, 6; at 5 sa San Antonio.

Tigta-tatlo namang kaso sa mga munisipalidad ng Atimona, Calauag at Guinyangan at dalawa sa bayan ng Gumaca at Real.

Ang mga bayan ng Buenavista, Burdeos, Catanuan, Gen. Luna, Mulanay, Padre Burgos, Patnanungan, Perez, Pitogo, Polilio, Quezon, at Unisan ay nakapagtala ng tig-iisang kaso.

Ang tally para sa araw na ito ay nakapagtala ng dalawang recovery mula sa lungsod Tayabas at zero fatality.

Ang mga nahawaang pasyente ay inilagay sa ilang mga ospital sa lalawigan at mga isolation center ng lokal na pamahalaan, habang ang ilan ay nasa ilalim ng home quarantine.

Tags: #opinyonnews #quezonprovince


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.