Bonifacio Day ipinagdiwang sa Tayabas City photo OY Quezonin
Quezon

Bonifacio Day ipinagdiwang sa Tayabas City

Dec 1, 2021, 6:21 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Kasabay ng paggunita sa kabayahihan ni Gat Andres Bonifacio sa buong bansa, binigyang-pugay din ng mga taga Tayabas City ang kontribusyon ng mga bagong bayani tulad ng mga medical frontliners, mga guro at mga kawani ng gobyerno.

TAYABAS CITY, Quezon – PINANGUNAHAN ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Tayabas, kasama ang Knights of Columbus, ang isang simpleng seremonya sa pag-alala sa ika-158 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa Tayabas East Central school (TECS) noong Martes (Nobyembre 30) .

“Ngayong araw na ito, binibigyang pugay natin ang ang kabayanihan ni Bonifacio sa katauhan ng mga makabagong bayani tulad ng medical frontliners, mga guro, at kawani ng gobyerno,” ayon kay Tayabas City Mayor Ernida Agpi Reynoso.

Hiling ni Reynoso sa mga Tayabasin na nawa’y sumanib ang kabayanihan ni Gat Bonifacio sa bawat isa, magkapit-bisig at magtulungan sa pagharap sa hamon ng pandemya.

Nagbalik-tanaw naman si Fredeswinda Carillo, isang retiradong guro sa TECS, II kung paano naitatag ang bantayog ni Bonifacio sa loob ng naturang paaralan taong 2017 hanggang 2018.

Samantala, hiniling ni Fernando Labita ng Knight of Columbus na maisama sa city budget ang maintenance, repair at rehabilitation hindi lamang ang bantayog ni Gat Bonifacio kundi lahat ng bantayog ng mga bayani na matatagpuan sa lungsod.

Bukod sa pag-aalay ng bulaklak, may inihanda ring maikling programa kung saan tampok ang musikang-Pilipino at pagsayaw ng mag-aaral ng TECS suot ang baro’t saya.

Madamdamin namang binigkas ng Grade 6 student na si Wilsam Villa ang kathang tula ni Andres Bonifacio na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.”

Dumalo rin sa pagtitipon ang Pueblo de Tayabas Assembly ACN 3461, Lupong Pang-Sentinaryo ng Tayabas, mga guro, piling mag-aaral, magulangin ng TECS, Cultural Heritage Preservation Office, Tuklas Tayabs Hestorical Society, Kapatirang ang Litaw na Katalinuhan at ang kapatirang ang Likas na katalinuhan at iba pa.

Pagbabalik-tanaw

Si Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanIyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas.

Si Bonifacio ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa.

Si Gat Andres Bonifacio ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino“ at kilala sa tawag na Supremo.

#opinyonquezon #opinyonnews #QuezonProvince #Tayabas


More about Quezon

Mahigit 30 medical frontliners sa QMC, tinamaan ng Covid-19

Mahigit 30 medical frontliners sa QMC, tinamaan ng Covid-19

3 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.