Bong Go, namahagi ng tulong sa mga kooperatiba
Elections

Bong Go, namahagi ng tulong sa mga kooperatiba

Apr 22, 2024, 2:41 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Tunay ngang malapit na ang eleksyon sa lalawigan ng Laguna.

Patunay rito ang pag-iikot ng mga “senatoriable,” incumbent man o baguhan, sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang “magpaabot” ng tulong.

Bong Go, namahagi ng tulong sa mga kooperatiba

Bong Go, namahagi ng tulong sa mga kooperatiba



Pinakahuli rito ay ang pamamahagi ni Senador Christopher “Bong” Go ng financial assistance sa ilalim ng “Malasakit sa Kooperatiba” ng Cooperative Development Authority (CDA) na ginanap sa Cultural Center sa Santa Cruz kamakailan.


Aabot sa 23 na mga kooperatiba sa lalawigan ng Laguna ang nabigyan ng tulong pinansyal na inaasahang magiging karagdagan sa puhunan ng mga miyembro sa kanilang kabuhayan.


Nagpasigla din sa programa ay namahagi din siya ng bola, t-shirt, relo at iba pa para sa mga miyembro ng kooperatiba na nakiisa sa naturang programa.



Nakiisa naman sa nasabing programa sina Laguna Governor Ramil Hernandez, Vice Governor Karen Agapay, at mga board member na sina JM Carait at Francis Joseph San Luis.


Si Carait ay napapabalitang nagbabalak tumakbo bilang bise-gobernador ng lalawigan sa darating na 2025 midterm elections, ngunit hindi pa tiyak kung saang kampo siya papanig.

#WeTakeAStand #OpinYon #BongGo #senatoriable


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.