Namulaklak ang dating pinapangarap lang ng San Pedrense na si Luke Oblinada na mapabilang sa makulay na pagdiriwang ng Panagbenga Festival sa Baguio City ngayong taon.
Kabilang kasi ang kaniyang obra sa mga nagbigay-saya sa mga turista habang pumaparada ito sa mga kalsada ng Baguio City, mula Panagbenga Park hanggang Melvin Jones Football Grounds, noong Linggo, March 1.
Kuhang-kuha ng ibinidang float ni Oblinada ang itsura ng chicken bucket ng isang kilalang fast-food restaurant na nagbukas sa San Pedro City noong nakaraang taon.
Tunay na nakakahanga dahil mabusising niyang binuo ang mga ito gamit lang ang napakadaming bulaklak.
Ayon sa kaniyang social media post, hindi niya raw inasahan na makakasali siya balang araw sa Grand Float Parade.
“As a kid, I used to stand on the sidelines and watch the Panagbenga Festival parade in awe. Never thought I’d be creating a float one day.”
Sulit ang naging pagod at pagsisikap ni Oblinada lalo na sa dagdag na presensiyang dala ng artistang si Michael Sager.
Lubos naman ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng tumulong sa kaniya upang mabuo ang pambatong float sa naturang parade.
“This is something I’ll always treasure.”
(Mga larawan mula kay Luke Oblinada/Facebook)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

