BINI Tries Filipino Snacks,’ ikinadismaya ng netizens
Celebrities

BINI Tries Filipino Snacks,’ ikinadismaya ng netizens

Jul 23, 2025, 4:07 AM
Gladys Amil

Gladys Amil

Contributor

Kahit sikat, walang kawala sa mapanghusgang panlasa ng Pilipino.

Ito'y matapos hindi pumatok sa panlasa ng mga netizen ang pinakahuling content ng People VS Food YouTube channel na pinamagatang "BINI Tries Filipino Snacks."

Maraming netizens ang nadismaya sa tila negatibong reaksyon ng mga miyembro ng sikat na P-Pop group na BINI sa ilang kilalang pagkaing Pinoy.

Ayon sa ilan, inaasahan pa naman nilang ma-appreciate ng grupo ang pagkaing sariling arin.

Lumabas ang mga kumento tulad ng “Ang aarte” at “Parang hindi mga Pilipino”.

Nadagdagan pa rito ang dating isyu ng grupo tungkol sa isang viral personal video, dahilan upang mag-trending ang linyang “Yes to 13 years old, No to betamax.”

Giit naman ng iba, iba-iba ang personal na panlasa ng mga Pilipino at hindi dapat gawing masamang tinapay ang hindi umano pagkagusto ng mga kasapi ng BINI sa pagkaing Pinoy.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang BINI, habang patuloy pa ring dumarami ang opinyon at kritiko mula sa netizens online.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #BINI #FilipinoFoods


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.